Binigyang diin ni incoming Education Secretary Leonor Briones na walang propesor ng kolehiyo na mawawalan ng trabaho sa pagsisimula ng senior high school.
Sinabi ni Briones na ito ay dahil ginamit ng naturang mga propesor ang 6 na taong implimentasyon nito sa pamamagitan ng pagkuha ng master’s degree.
Iginiit din ni Briones na hindi totoong lalaki ang bilang ng mga ‘drop out’ dahil marami talagang estudyante ang hindi naman tumutuloy sa kolehiyo kahit walang K to 12.
Bahagi ng pahayag ni incoming DepEd Secretary Leonor Briones
Nilinaw din ni Briones na 6 na taon nang ipinatutupad ang K to 12 program ng Department of Education (DepEd).
Ipinaliwanag ni Briones na matagal nang binago ang curriculum ng elementarya upang bigyang daan ang pagdadagdag ng basic education ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni incoming DepEd Secretary Leonor Briones
Binigyang diin ni Briones na ang kabiguan ng bansa na gawing 12 taon ang basic education ang nagiging dahilan din kung bakit hindi agad nakakapag-trabaho sa labas ng bansa ang mga graduate.
Bahagi ng pahayag ni incoming DepEd Secretary Leonor Briones
By Katrina Valle
Photo Credit: deped