Huwag magpagamit sa pulitika.
Ito ang hamon ng kampo ni Vice President Jejomar binay kay incoming Department of Interior and Local Government Secretary Mel Sarmiento.
Ayon sa kay Joey Salgado, Head ng media affairs ni Binay, tumaas ang budget ngayong taon ng DILG na mula sa halos 3 bilyon noong 2010 ay naging 16 na bilyong piso na.
Kaya naman sinabi rin ni Mon Ilagan, tagapagsalita ng United Nationalist Alliance o UNA, dapat tiyakin ni Sarmiento na hindi magagamit ang pondo ng ahensya sa 2016 elections, gaya ng panunuhol sa mga alkalde.
Umaasa rin si Ilagan na hindi papayag si Sarmiento na gamitin ang makinarya ng DILG sa pamamagitan ng mga programa upang maiangat ang ratings ng manok ng liberal party na si outgoing Sec. Mar roxas.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco