Posibleng ngayong Biyernes o sa susunod na Linggo ay pormal nang manungkulan bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government si Western Samar Representative at Liberal Party Secretary General Mel Senen Sarmiento.
Ito ay bilang kapalit ni resigned DILG Secretary Mar Roxas na pambato ng administrasyon para sa 2016 presidential elections.
Pinasalamatan ni Sarmiento si Pangulong Aquino para sa tiwalang ibinigay sa kanya.
Ayon kay Sarmiento, unang gagawin nito ay ang pakikipag pulong sa liderato ng Philippine National Police upang mabusisi ang mga programang naipatupad at ipatutupad pa lamang ng PNP.
“Asahan po ng ating publiko na hindi po gagamitin ang departamento sa anumang partisan na activity,” paliwanag ni Sarmiento.
Kasabay nito hiningi rin ni Sarmiento ang kooperasyon ng publiko.
“Hindi sila made-deprive ng sebisyong dapat bigay ng National Government sakaling tanggapin ko yung position. Yung consultation medyo nagtagal ng konti bago tayo nag decide na tanggapin yung posisyon, ” dagdag ni Sarmiento.