Nagpositibo sa COVID-19 si Incoming Department of National Defense (DND) Officer-In-Charge Jose Faustino Jr.
Ayon sa DND, asymptomatic at kasalukuyang naka-isolate si Faustino.
Pansamantala namang gagampanan ng retired AFP General ang kaniyang mga tungkulin at pisikal na mag-rereport sa trabaho pagkatapos ng kaniyang quarantine period.