Tutol si Department of Social Welfare and Development Sec. Judy Taguiwalo na isinusulong ni President-elect Rodrigo Duterte na pagbabalik sa death penalty.
Ayon kay Taguiwalo, kabilang ang parusang kamatayan sa kanilang mga ipinaglalaban noong panahon ng Martial Law.
Aniya, maraming pamamaraan para parusahan ang mga nagkakasala sa batas at kasama dito ang pagbibigay ng tinatawag na due process.
Maging siya ay hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin niya ang magiging government policy ni Duterte lalo na sa mga isyung may kinalaman sa human rights.
Si Taguiwalo ay dating professor sa University of the Philippines ay kabilang sa mga nominado ng National Democratic Front sa Duterte administration.
By Rianne Briones