Magsasagawa ng konsultasyon sa mga nasa labor sector si Incoming Labor Secretary Bienvenido Laguesma.
Ipinabatid ito ni Laguesma matapos kumpirmahin ang pagtanggap na muling pamunuan ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni Laguesma na kailangan muna nilang marinig ang tinig ng mga labor group at maging employers’ group para makabuo at magsulong ng mga solusyon para tugunan ang mga usaping may kinalaman sa paggawa tulad ng contractualization.
Nilinaw ni Laguesma na wala siyang dalang magic wand o quick fix solution sa mga usaping bumabalot o bumabatay sa larangan ng paggawa.
Kasabay nito, dumistansya si Laguesma sa pagkuwestyon kaugnay sa posisyon sa pagtigil muna ng deployment ng OFWs sa Arab countries na kumikilala sa Kafala System na pinapayagan ang employers na tratuhin ang kanilang manggagawa bilang Pseudo Properties.