Nanawagan ang Kongreso kina incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, Vice President Sara Duterte at Finance secretary Benjamin Diokno na ipagpatuloy ang nasimulang pagtatalaga ng mga maituturing na best and brightest officials sa mga ahensya ng gobyerno partikular na sa tanggapan na in-charge sa pangongolekta ng buwis.
Ayon kay Northern Samar 1st District Congresman Paul Daza, na nagsisimula ang good governance sa pagpili ng pinakamahusay at matalinong department heads.
Kabilang na ani Daza dito ang pag-aapoint ng mga tamang mamumuno sa mga critical agencies tulad ng Bureau of Customs (BOC).
Kailangan aniyang maging maingat sa ilang mga personalidad at grupo na maaring may planong “i-hostage” ang ekonomiya ng bansa.
Binanggit pa nito na mayroon din aniyang tinatawag na samar group sa boc na binubuo ng mga insiders, brokers, at mga fixer.
Nais aniyang bigyan ng advance warning o babala si Secretary Diokno, na wag sanang hayaang isabotahe ng mga taong ito ang magandang hangarin ng incoming Marcos Administration at ng BOC na mapataas pa ang revenue collection ng pamahalaan para sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya.