Naniniwala si incoming Philippine National Police (PNP) Chief General Ronald dela Rosa na masyadong delikado kung aarmasan ang mga barangay tanod sa Pilipinas.
Ayon kay dela Rosa, posibleng abusuhin ng mga tanod ang mas malakas na kapangyarihang ibibigay sa kanila ng pamahalaan kapag pinagkalooban sila ng mga baril.
Magmimistulan anyang private army ang mga tanod ng kanilang mga baranggay captain.
Kung si dela Rosa raw ang masusunod bibigyan niya ng hindi nakamamatay na kagamitan ang mga tanod gaya ng batuta at kalasag.
Kung matatandaan inihayag noon ni Duterte ang kanyang plano na mag-recruit ng mga special civilian active auxiliaries na tutulong sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Duterte, kung armado ang mga drug lord, dapat armado din ang mga hahabol sa mga ito.
By Jonathan Andal (Patrol 31)