Tiniyak ng incoming Philippine National Police (PNP) Chief na si Chief Supt. Ronald dela Rosa na masusi niyang pipiliin ang mga itatalagang regional director.
Ayon kay dela Rosa, hindi lamang dapat magaling kundi dapat palaban ang mga mamumunong pulis sa bawat rehiyon upang magawa nilang banggain ang mga drug lord at iba pang sindikato ng krimen.
Anya, hindi siya mabobola ng mga opisyal ng PNP na pawang “drawing” o gawa-gawa lamang ang mga ipinagmamalaking accomplishment sa anti-drug campaign.
Idinagdag ni dela Rosa na ibabatay niya sa kakayahan o performance ng mga pulis ang pagtatalaga sa pwesto na maaapektuhan ng malawakang balasahan sa administasyong Duterte.
By Drew Nacino | Jonathan Andal (Patrol 31)