Binigyang diin ni incoming President Rodrigo Duterte na papayagan niyang bigyan ng Free Conduct Pass ang mga lider komunista na kasama sa gagawing usapang pangkapayapaan
Inihayag ito ni Duterte makaraang linawin na walang magaganap na malawakang pagpapalaya sa mga tinaguriang political detainees mula sa hanay ng Partido Komunista ng Pilipinas
Paliwanag ng susunod na Pangulo, papayagan niya ang pagbibigay ng Free Conduct Pass sa kundisyong dito sa Pilipinas gagawin ang Peace Talks
Aniya, pag-uusapan lamang ang mass release sa lahat ng Political Detainees depende sa kung ano ang mapagkakasunduan sa negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng komunistang grupo
Magugunitang nagsimula na ang preliminary talks sa Oslo, Norway nuong isang linggo kung saan, nagkasundo ang susunod na administrasyon at panig ng mga komunista na muling bumalik sa hapag ng negosasyon sa ikatlong linggo ng Hulyo
Batay sa tala ng grupong Karapatan, nasa 543 ang mga Political Detainees sa bansa kung saan, 18 sa mga ito ay mga Consultant ng NDF at sinasabing may Immunity Pass mula sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG
By: Jaymark Dagala