Handang tapatan ni President-elect Rodrigo Duterte ang pabuyang ibibigay ng mga drug lord sa makapapatay sa kanya.
Una nang naiulat na nag-aambagan na ang mga drug lord sa loob at labas ng Bilibid upang makalikom ng malaking halaga na ipambabayad sa sinumang makapapatay kay Duterte at incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Duterte, handa siyang makipagpataasan ng presyo sa mga drug lord.
Kung nasa 100 Milyong piso ang ibibigay nila, tatapatan niya ito ng 150 milyong piso.
Dagdag pa ni Duterte, promotion on the spot, mula Police Officer One papuntang General, ang igagawad niya sa pulis na makapapatay ng drug lord.
By: Avee Devierte