Nagpahayag ng agam-agam si President-elect Rodrigo Duterte sa magiging papel ng Estados Unidos sa isyu ng agawan ng teritoryong kinahaharap ng Pilipinas.
Ibinunyag ni Duterte na minsan na niyang tinanong si US Ambassador Philip Goldberg kung tutulong ba ang Estados Unidos na ipaglaban ang mga teritoryo ng Pilipinas laban sa China kung sakali mang umatake ito.
Una nang nanindigan ang China na hindi nito kikilalanin ang magiging desisyon ng International Tribunal kapag pumabor ang hatol nila sa Pilipinas sa usapin ng pinag-aagawang South China Sea.
Gayunpaman, sinabi ni Duterte na hihintayin nito ang Arbitral Judgement bago nito pagpasyahan ang nasabing kaso ng Pilipinas.
By: Avee Devierte