Nais ipatupad kaagad ni President-elect Rodrigo Duterte ang mga inrekomenda sa kanya ng mga negosyante para sa mga programang pang-ekonomiya.
Ayon kay Duterte, wala siyang nakitang mali sa 10 inihaing panukala ng Philippine Chamber Of Commerce and Industry na nakipagpulong sa kanyang mga Economic Manager sa loob ng 2araw sa Davao city.
Gayunpaman, aminado si Duterte na hindi siya ekonomista kaya pag-aaralan ng mga eksperto sa ekonomiya ang mga nasabing panukala.
Kabilang sa mga rekomendasyon ng mga negosyante ang Tax Reform Measures at ang pagreview sa conditional cash transfer program.
By: Avee Devierte