May inihahandang supresa si incoming President Rodrigo Duterte para sa bandidong Abu Sayyaf sa kaniyang pag-upo sa puwesto sa Hunyo 30.
Ito ang inihayag ni Duterte matapos personal na makausap ang nakalayang bihag ng mga bandido na si Maritess Flor kamakalawa.
Inamin ng susunod na Pangulo na puno na ang salop para sa mga bandido kaya’t kailangan nang kalusin ang grupong nagdudulot ng masamang imahe sa Pilipinas
Magugunitang pinalaya ng mga bandido si Flor nuong Biyernes sa tapat ng tahanan ni Sulu Gov. Abdusakurtan ii bilang pagpapakita umano ng good will sa susunod na administrasyon
By: Jaymark Dagala