Mariing sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na patitigilin niya ang Abu Sayyaf Group sa kanilang pangingidnap at iba pang gawaing nagdudulot ng kahihiyan ng buong bansa.
Gayunpaman, aminado si Duterte na matatagalan bago nito tuluyang masawata ang Abu Sayyaf Group.
Sinabi ni Duterte na hindi man nito gustong makipag-away sa Abu Sayyaf Group, darating din, aniya, ang panahong kailangan niyang kumprontahin ang mga ito.
Una nang sinabi ni Duterte na kailangan niyang makipag-ayos sa mga rebeldeng Moro upang masiguradong hindi tinutulungan ng mga ito ang mga teroristang gaya ng Abu SAYYAF group.
By: Avee Devierte