Pursigido si President-elect Rodrigo Duterte na isulong ang pagpapabalik sa death penalty.
Sinabi ni Duterte na, bagaman hindi mapipigilan ng death penalty ang mga taong gumawa ng krimen, sisiguraduhin niyang pagbabayaran ng mga iyon ang kanilang ginawa.
Una nang tinutulan ng Commission on Human Rights at ng Simbahang Katolika ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan.
Ayon kay Commission on Human Rights Chair Chito Gascon, binubuwag na ng halos buong mundo ang death penalty dahil napatunayang hindi naman nito napipigilan ang pagkakaroon ng krimen.
Giit naman ni Duterte, wala siyang pakialam kung gusto ng siniuman na gumawa ng krimen basta pagbayaran ng taong iyon ang ginawa nya sa pamamagitan ng pagtanggap ng parusang kamatayan.
By: Avee Devierte