Inihayag ni incoming presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa palasyo ng Malakanyang.
Lumalabas kasi aniya na malaki ang naging gampanin ng mga pro-administration bloggers sa panahon ng kampanya ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang access sa Malacañang coverage o palace events ay kadalasang limitado lamang sa mga mamamahayag mula sa tv networks, online news outfits, at newspapers.
Ani Angeles, titignan pa nila ang umiiral na polisiya hinggil usapin kung papayagan ng incoming administration ang lahat ng mga journalists o mamamahayag na mag-cover ‘physically’ sa mga presidential events.