Wala nang magiging balakid sa pag-upo ni dating Kabayan Partylist Representative Harry Roque bilang bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay Senate President Koko Pimentel dahil sa wala namang pinamumunuang tanggapan si Roque, hindi tulad ng mga miyembro ng gabinete.
Dagdag pa ni Pimentel, dapat ipaubaya na sa Pangulo ang solong kapangyarihan sa pagtatalaga mga posisyong tulad ng Presidential Spokesman, Presidential Legal Counsel at Executive Secretary.
Epektibo ang appointment ng Pangulo kay Roque bilang Presidential Spokesman na may ranggong kalihim sa Lunes, Nobyembre 6, kapalit ni Undersecretary Ernesto Abella.