Magsasagawa ng imbentaryo sa pondo at mga programa ng DAR at DSWD ang mga itinalagang kalihim ng mga naturang ahensya sa pagpasok ng Duterte Administration
Ayon kay incoming DAR Secretary Rafael Mariano isasalang niya sa imbentaryo ang mga naganap na land conversions at maging ang mga naging beneficiary ng CARP Program
Rerepasuhin din aniya niya ang isusumiteng transition report mula sa kasalukuyang pamunuan ng DAR
Samantala nais namang malaman ni incoming DSWD Secretary Judy Taguiwalo kung paano hinati ang pondo para sa CCT Program
Pag aralan dn aniya niya sa kaniyang pag upo ang panukalang pag institutionalize sa nasabing programa
By: Judith Larino