(Updated)
Dumistansya ang papasok na United States Secretary of State na si Rex Tillerson sa maigting na kampaniya ng Pilipinas kontra sa iligal na droga.
Ayon kay Tillerson, hindi pa siya makapagkomento sa ngayon lalo’t wala siyang hawak na kongkretong impormasyon hinggil dito at kailangan niyang magsagawa ng malalimang pag-aaral.
Paliwanag pa ng uupong opisyal, malalim na ang naging relasyon ng Pilipinas at Amerika kaya’t mahalaga aniyang ilagay sa tamang pananaw ang mga gagawing pagpuna sa isang matatag na kaalyado.
Nag-ugat ang nasabing pahayag ni Trillerson makaraang gisahin siya ni Florida Senator Marco Rubio sa kanyang confirmation hearing ng US Senate Foreign Relations Committee.
Samantala, asahan na umano ang mas konkretong pahayag ng bagong US Secretary of State sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration kapag nakaupo na si US President-elect Donald Trump.
Ayon ito kay political analyst Professor Ramon Casiple bilang tugon sa pag-distansya ni incoming State Secretary Rex Tillerson sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Sinabi pa sa DWIZ ni Casiple na tila umiiwas na si Tillerson na magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
By Jaymark Dagala | Judith Larino | Credit: Ratsada Balita Interview