Nanganganib mabalewala ang pagka Bise Presidente ni Vice President elect Leni Robredo kapag nagpalit ng sistema ng gobyerno
Ito ayon kay Davao Del Norte Representative Pantaleon Bebot Alvarez ay dahil hindi na kailangan ang Bise Presidente kapag pinaboran ng mga kongresista ang Federal Parliamentary Form of Government sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Constituent Assembly sa 17th Congress
Kabilang sa mga agenda ng administrasyon ni President elect Rodrigo Duterte ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.
Bagama’t mahaba-haba pa ang lalakbayin ang panukalang Pederalismo, sinabi ni Alvarez na tiyak na magkakaroon ito ng linaw bago matapos ang termino ni incoming President Rodrigo Duterte sa 2022
magugunitang walang ni isang posisyon ang ini-alok ni Duterte kay Vice President Elect Leni Robredo na tumakbo sa ilalim ng Liberal Party nitong nakalipas na halalan
By: Judith Larino / Jaymark Dagala