Nagpasalamat si incoming Vice President Leni Robredo sa mga suporta at paniniwala sa kanyang kaya niyang manalo sa laban sa vice presidential race.
Sinabi ni Robredo na napakabait ng Diyos sa kanya sa pagbibigay ng mga taong hindi siya iniwan sa halos walong buwang pakikipaglaban niya ng mga adhikaing para sa bayan.
Kasabay nito, hiningi pa ni Robredo ang patuloy na suporta sa kanya sa paggampan sa kanyang tungkulin bilang bise presidente ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni incoming VP Leni Robredo
Kaugnay nito, tinawag na providential ni incoming Vice President Leni Robredo ang mga naranasan niya kabilang ang pagiging pangalawang pangulo ng bansa.
Sinabi ni Robredo sa ginanap na misa sa St. Peter Parish sa Quezon City, hindi niya inambisyong maging bise presidente subalit nangyari at naging sigurado pa ang kaniyang panalo sa mismong kaarawan ng yumaong asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo.
Bahagi ng pahayag ni incoming VP Leni Robredo
Sa isinagawang misa ng pasasalamat kasama ni Robredo ang kanyang mga anak na si Aika, Tricia at Jillian gayundin sina Atty. Romulo Macalintal at Senador Bam Aquino.
Nakiisa rin sa misa ng pasasalamat ang mga supporter ni Robredo na tutulak na sa Kongreso mamayang hapon para sa kanyang proklamasyon bilang vice president.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)