Excited na si incoming Vice President Leni Robredo na maka-trabaho si incoming President Rodrigo Duterte.
Kasunod ito nang pagtatapos ng bilangan kung saan lumamang si Robredo ng mahigit 200,000 boto kay Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Ayon kay Robredo, malinaw na ibinigay ng taumbayan kay Duterte ang mandato bilang Pangulo ng bansa kaya’t obligasyon niya hindi lamang bilang vice president kundi bilang Pilipino na ibigay dito ang 100 porsyentong suporta.
Binigyang diin ni Robredo na naging mahirap ang eleksyon na aniya’y nagpahati pa sa mga relasyon subalit kailangang mag-rebuild bilang isang bansa at kailangan ni Duterte ng tulong ng lahat.
Kasabay nito, ipinabatid ni Robredo na hihintayin muna niyang maiproklama sila bago niya bisitahin si Duterte.
Hindi pa aniya niya nakakausap si Duterte sa posibleng cabinet position na ibibigay sa kanya.
By Judith Larino
Photo Credit: cnnph