Handa umanong makipag-ugnayan ni Vice-President-elect Leni Robredo sa pribadong sektor upang matulungan ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Ayon sa kampo ni Robredo, mayroon ng mga pribadong kumpanya na nagpahayag ng kanilang interes sa pakikipag-kapit bisig sa tanggapan ng Bise President upang makapagpatupad ng mga proyektong lilinang sa kanayunan, magpapagaan ng kabuhayan, at magbibigay ng dagdag na kakayahan sa kababaihan.
Ngunit nilinaw ng tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Ann Hernandez, walang magiging fund transfer mula sa anumang pribadong kumpanya papunta sa Office of the Vice President.
Ayon kay Herhandez, direktang ibibigay ng pribadong sektor sa pamayanan ang mga pangangailangan ng mga ito.
By: Avee Devierte