Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si incoming White House Senior Adviser Congressman Cedric Richmond.
Ayon sa tagapagsalita ni U.S. President-Elect Joe Biden na si Kate Bedingfield, nagkaroon ng pagkakataon na nakasalamuha ni Richmond ang president-elect sa isang pagtitipon.
Pero tiniyak ni Bedingfield, parehong naka-mask sina Biden at Richmond at hindi nagtagal ng 15-minuto ang kanilang pag-uusap.
Sang-ayon sa guidelines ng Center for Disease Control and Prevention, hindi maituturing na close contact si Biden.
Kasunod nito, lumabas na negatibo sa COVID-19 si U.S. President-elect Joe Biden makaraang sumailalim ito sa test.