(11AM Update)
Lumakas pa at isa nang severe tropical storm ang bagyong Inday habang papalayo sa bansa at tinatahak ang direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Huli itong namataan sa layong 925 kilometro silangan hilagang-silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang hanging aabot sa 90 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 115 kilometro kada oras.
Patuloy namang pinalalakas ng bagyong Inday ang habagat na nagdadala ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan Pampanga, Bulacan, Tarlac at Nueva Ecija.
Habang kalat-kalat na pag-ulan na mahina hanggang katamtaman o paminsan-minsan ay may kalakasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
Pinag-iingat ang mga residente sa mabababa at bulubunduking lugar laban sa posibleng landslides at flashfloods
Mapanganib din ang paglalayag sa western seaboard ng Central Luzon.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Samantala, isa na namang sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng PAGASA sa labas ng PAR na nasa layong 475 kilometro kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.—AR
—-