Iginiit ng Malacañang na hindi nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang kapangyarihan.
Ito ay matapos na sabihin ni Pangulong Duterte na walang siyang nakikitang ibang pwede sumunod sa kanya sa tungkulin kundi ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang sinabi ng Pangulo ay hindi maituturing na opisyal na pahayag kundi personal na pananaw lamang.
Dagdag ni Abella, dapat tignan si Mayor Sara bilang isang hiwalay na personalidad at hindi lamang bilang presidential daughter na pinagkakatiwalan ni Pangulong Duterte na makapagpapatuloy ng mga nasimulang programa ng pamahalaan para sa bansa.
Magugunitang, inihayag ni Pangulong Duterte noong Biyernes na nais niyang anak na si Mayor Sara ang humalili sa kanya bilang susunod na pinuno ng bansa dahil sa pagiging malakas at matatag nito.
—-