Iginiit ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na wala siyang planong tumakbo sa pagka-pangulo.
Ito’y sa kabila ng pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi na siya magugulat kung susundan ng alkalde ang yapak ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aminado ang nakababatang Duterte na malayo sa kanyang hinagap na maging isang pulitiko dahil noong una ay nais lamang niyang maging isang “maybahay” makaraang mag-doktor at mag-abogado.
Tanging Diyos aniya ang makasasagot kung ano ang plano para sa kanyang buhay at karera sa pulitika lalo’t madugo ang pagpaplano sa pagtakbo sa pagka-pangulo.
—-