Indefinite closure ang ipinatutupad ng pamahalaan sa Mount Apo.
Ayon kay Harry Camoro ng Davao del Sur Disaster Risk Reduction Management Council, napagkasunduan ito ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kasunod ng hindi pa maapulang wild fire sa Mount Apo.
Sa kasalukuyan, tinatayang hindi bababa sa 400 ektarya na di umano ng Mount Apo ang nasunog.
Samantala, ayon kay Camoro, kinukumpirma pa nila ang ulat na apektado na ng sunog ang mga wild animals na nasa Mount Apo.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas