Pinagkasunduan ng mga mahistrado kasama si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang indefinite leave ng Punong Mahistrado.
Ayon kay Supreme Court acting Chief Antonio Carpio, ito ay upang iiwas ang Korte Suprema sa pulitika sa harap ng impeachment case laban kay Sereno.
Sinabi ni Carpio na nagkaroon ng talakayan kung paano nila mapapanatili ang integridad at kung paano ihihiwalay sa nagbabadyang impeachment trial ang Korte Suprema.
Matapos aniya ang talakayan, nagkasundo ang lahat na dapat mag-leave si Sereno na sinang-ayunan naman ng Chief Justice.
Ipinaliwanag ni Carpio na nag-isyu sila ng paglilinaw at pagkontra sa wellness leave na sinasabi ng kampo ni Sereno upang hindi masabi ng taongbayan apektado na ng impeachment proceedings ang trabaho sa Korte Suprema.
—-