Inaanyayahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko na makilahok sa kanilang gagawing job fair sa Araw ng Kalayaan sa Linggo, Hunyo 12.
Ayon sa DOLE, ang job fair na gagawin sa Rizal Park ay magsisimula ng alas-8:00 ng umaga at magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon.
Pinaalalahanan din ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na huwag kalimutan ang kanilang resume, 2×2 id pictures, kopya ng training certificate, diploma at accreditation for heavy equiptment operations at NBI clearance at pasaporte.
Maliban sa job fair, magkakaroon din ng legal assistance booth ang SSS, Pag-IBIG, PRC, SSS, BIR, PhilHealth, TESDA, OWWA at Bureau of Local Employment.
By Katrina Valle | Aya Yupangco