Tiwala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na malaking tulong ang social media giant na facebook sa pagpapakalat ng totoo at tamang impormasyon.
Ito ang binigyang diin ni DILG Sec. Eduardo Año kasunod ng pagtanggal ng facebook sa ilang accounts na may kaugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Kaugnay nito, hiniling ni Año sa pamunuan ng facebook na magtalaga ito ng independiyenteng organisasyon o grupo para magsilbing fact checker.
Pero paglilinaw ni Año, hindi naman dapat nagmula sa gobyerno ang magiging fact checker ng facebook upang hindi ito maging bias.
Ginawa ng kalihim ang pahayag makaraang mabatid na dating nagsilbi sa nakalipas na administrasyon ang public policy head ng facebook.