Walang indikasyon na may malawak na paglabag sa karapatang pantao sa mga police operations kontra droga.
Ito ang lumalabas sa independent investigation on human rights ng DILG na inilabas ng ahensya ngayong araw na ito.
Subalit ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing posibleng may human rights violations sa police operations lalo’t sumentro lamang sa 25 kaso ang kanilang sinuri mula sa halos 2000 kaso nang panlalaban ng drug suspects.
Sinabi ni Densing na malinaw sa kanilang imbestigasyon na hindi inutos ng gobyerno ang mga pagpatay sa mga drug suspect.
Tiniyak ni Densing na patuloy nilang imo monitor ang mga kaso nang panlalaban ng drug suspects sa mga police operations.
Ire rekomenda rin aniya nila kay DILG Secretary Mike Sueno na bumuo ng isang departamento sa ahensya na tututok sa mga reklamo nang paglabag sa karapatang pantao sa kampanya kontra illegal drugs.
By: Judith Larino