Kapwa bumaba ang index crimes at cybercrimes nuong nakaraang taon.
Sa datos ng Philippine National Police, bumaba ang index crime sa 34,000 mula sa 38,000 nuong 2023 na kinabibilangan ng murder, homicide, rape, theft, at robbery.
Bukod pa rito, bumagsak din ng 31.8% ang bilang ng cybercrimes na naitala nuong 2024.
Mula sa mahigit 20,000 kaso, bumaba ito sa 14,000 kaso.
Kasunod nito, tiniyak ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na magpapatuloy ang pambansang pulisya sa pagtitiyak at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.