Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ang bilang ng index crimes sa buong bansa noong September 2022.
Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin Jr. nasa 2,690 krimen ang kanilang naitala mula sa 3,056 noong August.
Nagpapakita ito na halos 12% o 366 insidente ang nabawas sa bilang ng mga krimen.
Ang index crimes ay tumutukoy sa mga seryosong krimen na kinabibilangan ng homicide, murder, rape at physical injury.
Sa datos ng PNP, naitala sa Mindanao ang pinakamataas na index crimes na may 28.47%.
Sinundan ito ng Visayas na may 10.24% at 5.96% sa Luzon.
Ang homicide, rape at murder naman ay nagtala ng pinakamalaking pagbaba ng bilang sa 26.09%, 25.99% at 20.67%.
Sinundan ng physical injury na nasa 15%.
Samantala, tumaas sa 5.88% ang insidente ng carnapping sa bansa.