Inihayag ni Presidential Communications Operations office SECRETARY Martin Andanar na handa ang gobyerno ng India na ipadala ang kanilang pharmaceutical experts sa Pilipinas para makatuwang ng Philippine Government sa pagsusulong ng murang gamot sa bansa.
Ayon kay Andanar, sa pamamagitan nito, tiyak na magiging abot-kaya na sa mga mahihirap na Pilipino ang mga ibinibentang gamot sa mga botika.
Una nang sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez, tinatayang nasa siyam na Indian Companies mula sa iba’t-ibang sector ang nag-pldege ng halos 64 Billion Pesos para sa naturang investments.
Pahayag ni Andanar, resulta ito sa ginawang pagdalo ni Pang. Rodrigo Duterte sa ginanap na ASEAN Commemorative Summit sa bansang India.