Pinaratangan ni Pakistani Prime Minister Imran Khan ang India na siyang nasa likod umano ng pag-atake sa kanilang bansa.
Magugunitang nilusob ng mga armadong lalaki na may dalang granada ang Pakistan Stock Exchange kung saan dalawang guwardiya ang nasawi at isang pulis bago napatay ang mga ito ng security forces.
Sa kanyang pahayag sa parliament, isiniwalat ni Khan na matagal na silang nakakatanggap ng intelligence reports ukol sa pag-atake.
Itinuturing naman ni Khan na tagumpay ang kanilang operasyon dahil napatay din nila ang mga salarin.