Lalu pang pinaluwag ng pamahalaan ng India ang ipinagtutupad na restriksyon sa kanilang bansa.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso at pagkamatay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong India.
Ayon sa Home Affairs Ministry ng India, kanila nang papayagan ang pagtitipon-tipon nang umaabot sa 100 katao sa mga okasyong may kaugnayan sa kultura, entertainment, sports at politika sa susunod na buwan.
Ibabalik na rin ang paunti-unting serbisyo ng mga tren sa mga pangunahing siyudad.
Sinabi ng gobyerno ng India na ang kanilang pasiya ay bunsod na rin ng pressure na buksan nang muli ang kanilang ekonomiya bunsod na rin ng milyon-milyong Indian nationals na nawalan ng trabaho.
Sa kasalukuyan, pumapangatlo ang india sa mga bansang pinakamatinding naapektuhan ng COVID-19 kung saan pumapalo na sa mahigit 3.5-M ang naitatala nilang kaso at mahigit 62,000 ang nasawi.