Binuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang India ang pintuan ng Pilipinas sa larangan ng Telecom o Telecommunications Industry.
Ito’y makaraang magpahayag ng interes ang India na pumasok bilang third player ng industriya bilang kakumpetensya ng mga higanteng kumpaniya rito sa Pilipinas tulad ng Globe at Smart-PLDT.
Ayon sa Pangulo, may ilang negosyante na aniya siyang nakausap nang magkaroon siya ng official visit sa India nuong buwan ng Enero.
Magugunitang inimbitahan na rin ng Pangulo ang China para maging Third Player ng Telecom Industry dahil sa matinding pagkadismaya nito sa dalawang kumpaniya sa Pilipinas na aniya’y bigong maghatid ng magandang serbisyo sa publiko.
Posted by: Robert Eugenio