Umabot na sa 98 kaso ng COVID-19 Omicron variant ang naitala sa India.
Batay sa inilabas na report, nasa 32 kaso ang naitala sa Maharashtra, 20 sa Delhi, 17 Sarajasthan, walong kaso sa Karnataka at pito sa Telangana.
Habang limang kaso naman ang naiulat sa Gujarat at Keralaat isang kaso sa mga lugar ng Andhra Pradesh, Tamil Nadu, Chandigarh at West Bengal .
Sinabi ng mga opisyal ng Federal Health Ministry ng India, wala sa mga pasyente ang nag-ulat na may malubhang sintomas.
Samantala, pinaigting na ng india ang pagbabantay sa lahat ng mga papasok na internasyonal na biyahero, lalo na mula sa mga bansang at-risk sa gitna ng pandaigdigang alarma sa bagong strain ng COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez