Pinaghahandaan na ng gobyerno ng India ang pagdating ng isang malakas na bagyo.
Inaasahang tatama sa India ang bagyong Fani ngayong araw na ito kaya’t inilikas na nila ang halos 8,200 katao na nakatira sa Eastern Coastal District ng bansa.
Inihanda na rin, ayon sa State Relief Department, ang 1,000 eskuwelahan at government buildings para magsilbing evacuation centers.
Nagbabala na rin ang mga otoridad sa posibleng malaking pinsalang dala ng nasabing bagyo.
Isinara na rin ng mga otoridad ang dalawang malaking pantalan sa bansa at pinasisinop na muna ang mga barko para hindi mapinsala.
Nagtalaga naman ang state government ng Odisha ng daan daan disaster management personnel na isara ang mga eskuwelahan at makiusap sa mga duktor at health officials na huwag munang mag-leave hanggang May 15.