Inaprubahan na ng India ang $55-M na uutangin ng Sri Lanka.
Bilang tugon ito sa nagbabantang shortage sa pagkain sa Sri Lanka bunsod ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya.
Ayon sa Indian Government, ilalabas ang pondo sa pamamagitan ng Export-Import Bank of India.
Una rito, ibinabala na ni Prime minister Ranil Wickremesinghe ang krisis sa pagkain sa Sri Lanka na naghihirap mula pa noong 1945.
Maliban sa pagkain, nakakaranas na rin ng shortage sa gamot, gas, langis, toilet paper at posporo ang Sri Lanka.