Tiniyak ng India ang patuloy na suplay sa Pilipinas ng mga gamot kabilang ang Hydroxychloroquine na isinasailalim pa sa test bilang posibleng gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs, ang nasabing commitment ay ibinigay ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa kaniyang pakikipag-usap sa telepono sa Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinutukan din ang iba pang aspeto ng bilateral relationship kabilang ang defense cooperation.
Binigyang diin naman ng Pangulong Duterte na ang nasabing hakbang ng India ay pagpapakita ng commitment to cooperation and good neighborliness.
Tiniyak din ng opisyal ng India na makikinabang ang Pilipinas sa bakuna kontra COVID-19 na dini-develop ng bansa.