Variant of global concern.
Ito na ang turing ngayon ng World Health Organization (WHO) sa B.1.617 variant o mas kilalang Indian variant.
Sa isang pahayag, sinabi ni who COVID-19 technical lead, Maria Van Kerkhove na ang naturang variant ay variant of concern na sa global o pandaigdigang lebel.
Dagdag pa ni Kerkhove na may lumalabas na impormasyon hinggil sa Indian variant na mataas ang transmission o ‘yung tsansa na pagkahawa rito.