Ang isang video na ginawa ng isang makeup artist para sana ipamalas ang skills niya sa pagme-makeup, na-bash dahil tila pinopromote raw nito ang dishonesty sa trabaho.
Kung paano nila ito nasabi, alamin.
Aktibo na nagpo-post sa kaniyang social media account ang indian makeup artist na si Pritam Juzar Kothawala ng videos kung saan ipinapakita ang final look ng kaniyang clients.
Pero bukod sa magagandang makeup looks, marunong din gumawa ng fake wounds and scars si Pritam at kamakailan lang ay nag-uplaod siya ng video kung saan nagtuturo siya kung paano gumawa ng pekeng sugat na mayroong paalala na ang video na ‘yon ay hindi para mapanood ng mga it managers.
Sa video, ipinakita ni Pritam ang step by step procedure kung paano gumawa ng fake wounds na may kasama pang stitches at fake blood.
Useful ang ganitong tutorials lalo na sa holloween season, ang kaso, sa dulo ng video, ipinakita si Pritam na nagpapaalam sa kaniyang boss na umabsent at idinahilan ang mga pekeng sugat na nasa mukha niya. Sa huli, pinayagan si pritam na mag-sick leave sa loob ng limang araw na ginamit niya lang naman para magbakasyon.
Sinabi rin ni Pritam na ang video na ‘yon ay para rin sa mga it professionals na hirap makapag-leave sa trabaho. Bukod diyan, hinikayat niya rin ang mga viewers na i-share ang video at huwag na huwag ipapakita sa kanilang mga boss.
Ang video na umani na ng 39.4 million views, tinawag na unethical at nonsense. Mayroon din namang naka-appreciate sa skills ng artist pero hindi raw tama ang content at message ng video.
Gayunpaman, nagbigay naman ng disclaimer si Pritam sa caption ng post na ang video ay isa lamang skit at ginawa for entertainment purposes.
Ikaw, ginagamit mo ba sa tamang paraan ang sick leave mo?