Sumabak sa Naval Exercises sa West Philippine Sea ang pinakabagong missile frigate ng Pilipinas na BRP Antonio Luna kasama ang dalawang barkong pandigma ng India.
Ito’y para sa isinagawang Naval exercise ng dalawang Navy Forces sa nasabing karagatan na layong paigtingin ang interoperability at collaboration sa pagitan ng Pilipinas at India.
Kahapon, sinalubong ng BRP Antonio Luna ang guided missile destroyer ng India na INS Ranvijay at guided missile Corvette na INS Cora sa bahagi ng Palawan upang duon magsagawa ng operational maneuvers.
Gayunman, contacless pa rin ang naging pagsasanay dahil sa umiiral na health and safety protocols bunsod ng COVID-19 pandemic.
Kasalukuyang nasa Pilipinas ang dalawang barkong pandigma ng India para palakasin ang maritime security coordination sa mga kaalyadong bansa sa Asya gayundin ay para magkarga ng supply.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)