Suportado nii Indian Prime Minister Narendra Modi ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaang Duterte.
Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang inihayag ni Modi matapos ang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa 25th ASEAN – India Commemorative Summit sa New Delhi.
Dagdag ni Roque, nanawagan din aniya si Modi ng matibay na kooperasyon sa pagitan ng bawat bansa para sa pagsupo ng problema sa iligal na droga sa buong mundo.
Iginiit din aniya ni Modi ang mahigpit na pagtutok ng international community sa iligal na droga na tulad ng ipinakita sa problema naman sa climate change.
Matatandaang isang kasunduan hinggil sa climate change ang niratipikahan ng nasa isangdaan at pitongpo’t apat (174) na bansa na humihiling na limitahan ang carbon emission sa bawat bansa.