Hindi pa maituturing na variant of concern ang B1671 variant ng coronavirus.
Ayon ito sa Department of Health matapos unang matuklasan sa India ang B1671 o tinaguriang Indian variant bagamat mahigpit nila itong mino-monitor.
Lumalabas sa paunang pag-aaral na mayroong mutation o pagbabago ng anyo na E484Q ang B1671.
Kilalang bilang escape mutation ang E484K dahil mayroon itong kakayahang labanan ang bisa ng mga bakuna.
Mayroon ding L452R mutation ang Indian variant na higit na nakakahawa.
Ipinabatid naman ng World Health Organization (WHO) na variant of concern o variant under investigation ang estado ng pagbabago sa anyo ng virus.
Tulad ng P3 na unang natuklasan sa Pilipinas itinuturing pa lang ng WHO na variant under investigation ang B1617 variant.