Umabot na sa mahigit 80,000 indibidwal o katumbas ng 20,400 pamilya na ang apektado at nagsilikas dahil sa bagyong Karding.
Aabot naman sa mahigit na 700 na magsasaka ang apektado at may kabuuang 16,299 na ektaryang pananim ang nawasak.
Ayon kay NDRRMC deputy spokeperson Asec. Raffy Alejandro, pawang mga residente mula sa Regions 2,3,4-A,4-B, 5, Cordillera Administrative Region at Metro Manila ang mga apektado ng kalamidad.
Maaari naman na anyang bumalik ang mga evacuee sa kanilang mga bahay matapos clearing operation ng awtoridad.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla