Umabot na sa mahigit 3.5 milyong indibidwal ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa bansa.
Sa laging handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje nasa 13,196,282 doses na ang naiturok sa buong bansa.
Sa naturang bilang, nasa 9,669,940 indibidwal ang nabigyan ng unang dose habang 3,526,342 na ang nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna.
Kabilang sa mga nakatanggap ng bakuna na nasa 1,575,936 ang mga health workers, 209,193 ang kamag-anak ng mga health workers, 2,655,403 ang mga senior citizen, 3,232,278 ang mga taong may comorbidities, 1,689,680 essential workers, at 307,450 ang mahihirap na Pilipino.
Samantala, nakatanggap na ng full vaccinated na nasa 1,174,658 ang mga health workers, 34,009 kamag-anak ng mga health workers, 915,593 ang mga senior citizen, 1,140,537 ang mga taong may comorbidities, 191,851 ang essential workers, at 69,694 ang indigents.
Target naman mabakunahan ng bansa ang mahigit 50 hanggang 70 milyong indibidwal bago matapos ang taon.